I told to myself before, I will never write a blog or post anything until I get a job here in U.A.E., not even my status and update on my Facebook. :)
Isa ako sa mga nakipagsapalaran na pumunta dito at nagbakasakali na makahanap ng trabaho, umalis ako sa Pinas na me kaba sa Immigration, kasi dami ko naririnig na mga naho-hold kahit kumpleto na papel mo at kung anu-ano pa. Pero madami pa din sumusubok, yung iba nga ilan beses na na-hold pero nagta-try pa din.
Apply dito, apply duon, lakad, metro, taxi, buti na lang October, palamig na ang klima, mahirap lalo na me kalakihan ako, sobra pawis, sakit na mga paa ko, ilan beses pa ako natatapilok sa sobra layo nilalakaran mo, iwas-iwas taxi pag me time, tipid hanggat maaari.. Interview dito, interview duon. Sobra kabado ako dahil first time ko na umalis ng Pinas para maghanap ng trabaho sa ibang bansa na walang kasiguraduhan, Daming kakumpetensya, hindi lang kapwa mo Filipino, iba't-ibang lahi din. Minsan maglalakad ka sa me Karama o Bur Dubai, parang Quiapo, Manila lang sa dami ng mga kabayan. Umaga, gabi basta me time apply online, nagdadasal na me tatawag sa yo para sa interview.
One time, me interview ako, nagkataon ala lakad mga kaibigan ko kaya sinamahan nila ako, inabutan namin duon mga kapwa Filipino at iba lahi din, lahat babae, lahat naghihintay. Susme isa oras na pala sila duon, suma-total nanloloko lang yung magpapa interview, hindi kami nilabas or hindi na pinipick-up ang calls namin. Sa sobra layo ng nilakad namin para makarating duon, halos kalahati araw nasayang sa paghahanap pa lang nung lugar. Buti me mga kasama ako. Nakakalokang araw. Minsan naman sa Industrial area ang interview mo, magre-rely ka lang sa location map na ibibigay nila at instruction, so lakasan din talaga ng loob most of the time. Madami ka mae-experience sa mga interview, "as in madami talaga"
Sobra kaba mo pag naiinterview ka, lalo na iba lahi kakausap sa yo, dugo din ilong ko, at lalo na pag first time mo na mangibang-bansa. Me mga offers na ako 1st week ko pa lang dito, pero sabi ng kaibigan ko hanap pa. Minsan me mga kapwa Filipino din na mag-iinterview sa yo, minsan sila pa parang nagda-down sa 'yo. Di mo maiaalis, me kanya-kanya ugali mga tao, pero never mo na i-expect yan sa "kabayan" mo mismo.
Aba, matatapos na ang 1 month ko, ala pa ako matinong offer, hanggang sa me isa ako interview at pinangakuan ako na iha-hire ako (kakilala kasi ng kaibigan ko) pero nagkaproblema sila sa immigration at gusto na paghintayin ako. Ako naman dahil mapagtiwala, naghintay. Nasakit na ulo ko sa kaka-follow-up, malapit na ako mag 2 months, at pag 2 months ka na dapat lumabas ka ng UAE at makakabalik ka lang after 1 month ulit. Aba, aba hindi puede to, December 07, 2012 ng umaga, naiiyak na ako kaya nag-decide ako na 'wag maghintay sa wala kasiguraduhan, lumabas ako ng flat at bumili ng newspaper, nag-apply ako sa mga add duon. Apply din online, nakakawala na pag-asa, pero sabi ko di ako susuko. 'Di alam ng parents ko na pumunta ako dito ng wala pa trabaho, pag natawag sila, sasabihin ko "wag kayo mag-alala kaya ko 'to." 'di ako nakibo sa totoo sitwasyon ko. December 08 morning, me call ako natanggap for interview that afternoon, sinamahan ako ng bestfriend ko for that interview, and wallah offer na the next day. Immaculate Concepcion sa atin that day, and for me parang sign na siya.
Then nag-exit ako to Kish Island, Iran bisperas ng Pasko, (ang saklap no?) Andyan na yung maiyak ka, first Pasko mo ala sa pamilya mo, pero kailangan i-set mo mind mo na bago ka pa lang magdesisyon at umalis ng Pilipinas, alam mo na yan. 10 days ako sa Iran, duon na din ako nag-bagong taon, ang daming Filipino sa Iran, iba't-ibang kuwento, me mga naghihintay ng employment visa, yung iba pinangakuan tapos pinabayaan na, me mga nag-exit na naghihintay din para maka-tourist visa ulit kasi ala nahanapan na employer, mas choice nila maghintay dito kesa umuwi ng Pilipinas kasi ala ka na kasiguraduhan na makakalabas ka ulit or makakabalik ng Middle East. Kanya-kanya kuento, minsan me magpupunta sa kuarto mo kasi naghihingi na ng tulong kasi ala na sila pambayad sa hotel, which is that time AED40.00/day. Naging masaya din ang Pasko at Bagong Taon ko duon kasi me mga nakilala ako ng mga kaibigan duon na hanggang ngayun nakakasama at nakakausap ko. Nagluluto kami ng patago, ambagan, basta makatipid lang, bawal kasi magluto sa loob ng hotel. Hanggang sa bumalik na ako sa UAE, I must say, suwerte din ako sa naging employer ko, kasi palagi nila ako kinukumusta at tinatanong kung okay ako, pinadalhan pa nila ako ng extra pera. Dito kasi kailangan me bala ka (extra money). Hanggang makabalik ako sa Dubai, after New Year.
Lakasan din talaga ng loob at maraming dasal, huwag ka bibitaw, Ang araw ng interview ko ang naging sign ko na okay ako dito. Dasal ako ng dasal ke Lord, At hindi din ako nagkamali, ang turing nila sa akin ay kapamilya, isa siyang small family company at ako lang ang Filipina.
Mura halos lahat ng bilihin dito, pagkain, electronics (pero medyo nataas na din dahil siguro sa Expo2020). Ang mapapakamot ka ng ulo is - napakamahal ng bahay. Naranasan ko na halo-halo babae, lalaki sa isa kuarto, kurtina lang ang pagitan, suerte mo lang na mabubuti mga naging kasama mo. Nang medyo naka-settle na ako, nakalipat na sa mas maayos at all for girls na flat. Lahat titiisin mo para makatipid. Akala ng iba, pag nag-abroad ka, mapera ka kaagad. Susmarya, i-se-settle mo muna ang sarili mo. Di porke nakikita nila sa FB mo na nakangiti ka, eh super GOOD ka na dito, alangan naman ipost mo na umiiyak ka, lalo na ang "homesick" alang expiration yan, bigla-bigla na lang na umaatake sa yo.
Ang pagiging OFW ay mahirap, lalo na malayo ka sa pamilya mo, Masarap kung me nakakasama ka na mga tunay na kaibigan na kahit paano ay nakakausap mo at nagpapalakas ng loob mo, lalo na kami, bestfriend ko nandito, classmate ko from elementary to HS, kaya less worry. Andito ka na eh, kesa bumalik ka sa Pinas na walang kasiguraduhan, tiisin mo hanggat maaari para sa pamilya mo. Pasasaan ba't uuwi ka din at magkakasama-sama na kayo. Pag nag-decide ka mag-abroad, kailangan mo ng baong "tibay ng dibdib" at baon ang "pagmamahal at pangarap mo para sa pamilya mong iniwan sa Pinas".

No comments:
Post a Comment